|
|
Sayang talaga't 'di kami
nakapunta nang maaga. Kada taon kasi, nagtataka ako
kung bakit biglang isinasara ‘yung Visayas Avenue at
nagkakaroon ng street painting contest.
'La pa 'ko alam nu'n e, 'kala ko parang project lang
ng city hall o ano, pero nung mapunta ako sa NCCA,
nalaman ko nang bahagi pala yun ng celebration ng
National Arts Month.
Huh? May Natioal Arts Month pala tayo? Well, nagulat
din nga ako e, pero nung paalis na ako sa NCCA, ayun,
busy na sila sa preparasyon at paglo-launch. Di ko
naman masasabing kulang ang campaign nila, pero alam
naman natin kung gaano kalakas ang boses ng pop
culture, di ba? Anyway, di rin ako sigurado kung
kelan nagsimula yun. Umm, ayan, malilintikan ako kay
Mang Boy, trabaho ko dapat maghalukay ng data
tungkol dun e, hehehe, pero malamang nakatabi yung
history nun sa isang diskette na iniwan ko sa
opisina. Si Cory Aquino yata ang nagdecree nun.
Ibig ko kasing sabihin, grabe, nung elementary't
high school pa ako, may UN month, may Linggo ng Wika,
pero di kami nagse-celebrate ng Arts Month pag
Pebrero; Valentines day lang, at oo, bata pa ako
kaya panahon na ni Tita Cory nun. Yung mga utol ko
sa elementary, hindi rin yata nag-celebrate,
although lagi silang late nang isang oras sa
dismissal dahil daw nagpapraktis ng sayaw.
Nakanamsiomai, linggo-linggo may sayaw, ewan kung
related sa Arts Month yun.
Basta ayun, ang punto ko, ang Arts Month ay isang
celebration na, err, underexposed, pero hindi kasing-underexposed
ng Balagtas Day. Huh? Meron ba nu'n? Well, yep,
meron, tuwing April. O di ba? Marami ka talagang
matutunan kapag nagtrabaho ka sa NCCA. Sabi nga ni
Reitch, "You learn something new everyday!!!"
So pagkatapos ng isang mahabang pag-digress, (Sorry
a, sakit ko 'to talaga kapag informal ang sinusulat...)
err, ayun, aware na ako sa Arts Month celebration,
although hindi ko narinig yung magandang boses ng
head ng Public Affairs Division namin sa radyo na
nag-a-advertise ng celebration. Biniro kasi ni Mang
Boy isang araw, "Sikat na si Bams!!!"
Anyway, bahagi ng celebration ng National Arts Month
ang Kulturang Kalye, kung saan may masasayang
happening sa Visayas Avenue tuwing Sabado ng
Pebrero, usually mga banda, film showings, etc.
Ngayong taong ito, di ko napuntahan lahat. Well,
kamuntik na.
Err, naririnig kasi ng tatay ko yung tunog ng
speaker mula sa event. Walking distance lang kasi
kami mula Visayas Av, as in siguro kapag nilakad mo
ang bahay namin hanggang Visayas Av, pagkatapos mong
mag-eat-all-you-can, hindi ka pa aaatakihin ng
appendicitis, kahit na siguro takbuhin mo.
Kaya isang hapon ng Sabado, nagyaya ang tatay ko
pumunta dun. Nung naunang gabi kasi, nagdonate ako
ng dugo, at umuwi ako nang madaling araw, tapos
umaga kinabukasan, may meeting ako sa Robinson's
Manila. May sariling kuwento ito. Anyway, nang
makauwi ako mula sa meeting nang tanghali, bagsak
ako sa kama, at nagising ako nang alas-singko. Medyo
kulang pa ako sa tulog, pero ayun. Nagyaya na nga
tatay ko. Mahilig kasi sa mga concert yun e,
palibhasa jeproks. Nagdedate yun dati ng nanay ko
pag anniv nila sa Club Dredd. Tsk-tsk, weird.
So nagpantalon na ako, at nagsuot ng sandals. Kasama
yung isang utol ko, nilakad na namin. Pagdating dun,
sa isang bakanteng lote along Visayas Av, nakaset-up
ang ilang upuan at isang malaking screen. Mukhang
may film showing. Bad trip. Banda ang inaabangan. So
balik na kami. Tapos biglang nagsalita yung lalaki
sa speaker, pero malabo kaya di namin na-gets.
Tumayo na lang muna kami sa sidewalk, naghintay ng
announcement kung may banda o wala. Medyo matagal.
Natakot pa nga yata yung driver ng FX Taxi na
nakatigil sa tabi, akala yata hoholdapin namin kaya
kumaripas ng takbo nung tumambay kami. Dami kasi
holdaper sa lugar na 'to.
Kaso, panay test-mike-test-mike, kaya umuwi na lang
kami, tapos nag-inuman ng San Mig Light. Hilo ako
agad, grabe, nakatulog ako ulit.
Kinabukasan, eto, Februar 23, sarado ang Visayas Av,
may street painting session. Nung hapon na, narinig
na naman namin yung tunog ng speaker, pero ngayon,
may kumakanta na! So eto, labas ulit kami. Yung utol
ko, nagsuot pa nung reggae bonnet niya o kung ano
man ang tawag dun, ako Mao Cap lang.
Pagdating dun, may stage na nakatayo sa tapat ng
Balay Kaldingan, tumutugtog ang The Jerks. Astig!
Siyempre, nandun si Chikoy Pura, tapos habang
kumakanta-kanta siya nung "Reklamo" may mascot sila
sa stage na nakasuot ng Gas Mask at Air Force Pilot
na costume. Habang nanonood yung mga kasama ko sa
performance, nakatingin naman ako sa magandang likod
ng cute na chik sa harap ko. Aw, putsa, may jowa na
pala! Damn!
Kinanta ng The Jerks yung "He Said" err, nakalimutan
ko yung title ng kanta, pero ito yung kanta na may
lyrics na "Don't believe what he says... Don't
believe what he says...", pero binago nila yung
lyrics ngayong gabi, naging "She" imbis na "He."
Hmmm...
Napatingin ako sa paligid ko, maraming taong
nakatayo't nanonood. Ang nakakatuwa, hindi ito yung
usual crowd na makikita mo kapag may ganitong
tugtugan. Madalas kasi, makikita mo yung mga
artsy-crowd, o mga estudyante, o mga tibak. Ngayong
gabi, ayun, mga ordinaryong tao--mga jologs, tambay,
pamilya, tindera, tricycle driver at mga pinsan
nila, etc. Gandang tingnan, men, sining para sa
masa, okay na sana nang biglang mangawit yung tuhod
ko sa kakatayo.
Pero mukhang hindi lang ako yung nangawit, nagyaya
kasi yung tatay ko dun sa bandang sidewalk kung saan
naglabas ng mga mesa't upuan yung Balay Kaldingan,
kaso puno na, wala nang maupuan. Kaya dun na lang
kami sa labas nung Balay tumayo, sa may entrance.
Medyo mas mataas kasi, at mas kita ang view ng stage
sa kabilang side ng avenue. Nakatambay nga pala sa
loob si Conrado de Quiros, grabe, mas mukha pala
siyang bata sa litrato niya sa column niya.
Maya-maya dumating si Jess Santiago, mukha pa ring
lola; si Cookie Chua, pumayat daw sabi ng tatay ko,
at si Kuya Bodjie!!!
Umakyat sa stage si Bobby Balingit at Alfred
Guevarra, akala namin The WUDS ang tutugtog, yun
pala, ibang lineup nila ngayon, ano sila, Juan Isip.
Umorder ng tatlong beer yung tatay ko para sa amin,
kaso pale pilsen lang ang meron, walang light.
Putsa, naisip ko, bigla akong napatingin sa tiyan
ko. Umm, sige na nga, sabay laklak pag-abot ng bote.
Intro ni Bobby Balingit, itong kakantahin daw nila,
Tagalog version ng isang sikat na kantang Italyano
pagkatapos ng WW2 tungkol sa Maynila. So kanta na
siya, mellow...
"...naalala mo PA BA (!) ang mga BULAKLAK (!) ..."
Syet, bakit siya galit? Napapangiti na lang ako,
hehe, astig pa rin yung mga sudden na paggaralgal ni
Bobby Balingit, parang The WUDS!!! Teka, siya rin
pala ang bokalista nun, may tama na ba ako?
Mula sa kinatatayuan ko, nakikita ko kung gaano
kalaki yung madlang nanonood, ayun, mga
pangkaraniwang tao pa rin, at hindi yung usual
alternative crowd ek-ek, tapos bigla akong kinagat
ng langgam sa paa ko--NAKANANGTOKWA!!! $#!@*&^!!!
sabay kamot. Lintek, may bahay pala ng langgam dun
sa tinatayuan ko kaya lumipat ako ng puwesto nang
kaunti, sinigurado ko siyempre, na semento na yung
inaapakan ko.
Anyway, ayun, habang gumagaralgal si Bobby Balingit,
inoobserbahan ko yung madla-- mga magbabalut,
magsyota, pamilya, jologs, tapos may naglalakad na
cactus...Eh?!!
Napaubo ako bigla habang lumalaklak. Napatingin ako
sa bote ng pale pilsen sa kamay ko. Putsa, nakakaisa
pa lang ako a...
Ayun, may gumagalang cactus sa madla, nakasuot pa ng
shades, tapos may karatula siyang nakasabit na "Make
Love not War." Hehehe, sinusundan ng mga bata habang
tumatakbo-takbo. Cool!!!
Maya-mayang konti, may umakyat na lalaking may
makapal na buhok sa stage, makiki-jamming daw sa
Juan Isip. Si Popong Landero. Ayun banat sila ulit--
"Pinas lang ang aking bayan... 'Pinas lang ang aking
bayan... PINASLANG ANG AKING BAYAN!!!"
Astig na sana yung lyrics, kaso nung lumaon, parang
nag-iimbento na lang yata ng tono si Popong Landero.
Anyway, sa bandang paanan ng stage, kita mula sa
tinatayuan ko, may nag-i-slam dance. Tsk, grabe,
hindi talaga mawawala. Ayun, may lalaking
tumatalun-talon dun, sabay pirouette at sway ng
kamay sa... PIROUETTE!?
Putsa, ipinatong ko sa tabi ko yung bote ng pale
pilsen kong naubos ko na, at ayoko nang uminom ulit
nung gabing yun. Pero, duh!? Ano nga naman bang
klaseng "slam dance" ang i-e-expect mo sa isang
tugtugang peace ang ina-advocate at hindi violence?
Wow, nakakapag-rationalize pa ako, di pa ako lasing!
Nung bumaba yung Juan Isip, pumalit naman yung Nancy
Drew. Habang nagseset-up sila, may inannounce na
nagbebenta raw yung organizers sa booth nila ng CD
ni Amado Hernandez. Bumulong sa akin tatay ko, bili
raw kami ng isa mamaya.
Napansin ko yung isang lalaki sa bandang unahan ko,
nakasuot ng Kulturang Kalye na kamiseta. Text agad
ako kay TJ, baka namimigay pa ang NCCA, o baka may
surplus pa, baka puwedeng maka-score. Anyway, di ko
maalala yung title, pero astig yung unang tinugtog
ng Nancy Drew.
Pagkatapos ng set nila, Imago na ang susunod.
Nagpunta kami sa booth malapit sa stage, at bumili
ng CD yung tatay ko. Di ko na nakita yung CD ulit,
sinolo na nung tatay ko. Anyway, pinapirma kami sa
isang nakasampay na tela, parang freedom wall, err,
cloth ek-ek.
Ngayon, medyo mas malapit na kami sa stage kaya kita
na namin yung Imago. Napansin nung utol ko yung nasa
Congo drums (Hehe! Congo Drums! Di makahinga sa
katatawa si Reitch kapag nakakita ng Congo Drums!),
sabay bulong sa akin, "Kuya, di ba yun yung lalaki
sa Roam?"
"Ay, oo, siya yun. DJ sa NU yan e! Yung tuwing
umaga..."
"Ay siya ba yun? Yung nag-uusap tuwing umaga?"
tanong ng tatay ko, "Salita nang salita yan, di
naman alam yung sinasabi, kaya natatawa ako diyan
pag umaga!"
"Oo, naaalala ko yung episode dati, pinag-uusapan
nila yung mga lumang gulong na ginagamit na
artificial reef sa dagat, sabi niya hindi dapat
ginagawa yun kasi masama raw."
"Bakit daw masama?"
"Kasi kapag sinunog mo raw yung gulong nagre-release
daw ng harmful chemicals."
At siyempre, pareho ng reaksiyon yung kausap niyang
DJ at yung mga kasama ko.
Napatingin yung tatay ko sa relo niya, medyo gabi
na, ihahatid pa niya sa school bukas yung mga bata.
Sayang, hindi namin naumpisahan, di rin namin
natapos.
Habang naglalakad kami pabalik, tinugtog ng Imago
yung "Bilanggo" ng Rizal Underground, di ko na
nakita ulit yung gumagala-galang Cactus (lakas
mag-trip ng mga peaceniks!). |
|