HOME

Gusto Kong Mag-asawa ng Aklat I Want To Marry a Book (By Jan - Hanzel M. Isirani)


 

Who Else Wants to Escape to a Tropical Paradise?


Who Else Wants to Escape to a Tropical Paradise?
with Free 7 Day eCourse Filipina Familiarity 101

     

   
If you want roses for your Filipina friend click on
IslandRose

 

 
Beach Property for Sale!
For more info visit:
www.samarislands.com
and
www.warmparadise.com
For details contact:
chris@samarislands.com

-GENERAL INFORMATION-

Live like a King in the Philippines
Cost of Living
Real Estate/Rentals
(Apartments, Houses, Condo, Hotels and Clubs)
Accommodations
Places To Live
Love and Romance Filipino Style
Health in the Philippines
Medical, Dental and Cosmetic Surgery
Maids: Cheap and Priceless
Climate and Attire
Getting Around
How safe is living here for Expats
Shopping Filipino Style
Philippine Culture
Filipino Education
Filipino Painting
Politics and Economy
Home: Staying In Touch
Getting Money from Home
Other Things To Do
Living and Retiring
Visas
Herbal Medicine
Golf in the Philippines
Death and Dying in the Philippines
Business, Job, Investing and Banking
Wedding in the Phils.
Philippine Recipe
Philippine Embassies and Consulates
Frauds Cases in the Philippines
American Citizen Services
Philippine Zip Code
Philippine Telephone Code
Philippine Call Centers
Philippine Corporation Code
Philippine Law on Rape
Estafa and the Bouncing Checks
Philippine Labor Law and Jurisprudence
Philippine Securities Regulation Code
Philippine Family Code
Anti-Money Laundering
Political and International Law
Taxation Law (THE NATIONAL INTERNAL REVENUE CODE)
Taxation Law (The Real Property Tax Code)
Philippines Citizenship
Philippines Highlights
 

-REFERENCES-

-MAILING LISTS-

-GUESTBOOK-

OTHER INTERESTING ARTICLES


 

"Ok Class, Turn your books to page…."

Eto na naman si Ma'am. Para sa karamihan ng estudyanteng tulad


 ko, madalas na naka-ka-irita ang mga ganitong paulit-ulit na pahayag gaya ng isang sirang plaka. Marahil, para sa mga henyo at "nerd", isang karangalan ang sundin ang gintong utos na ito at buklatin nang paisa-isa at dahan-dahan ang bawat maninipis na pahina ng libro, lalo na kung mahihilig silang magbasa. Sila’y yung mga tipo ng taong halos asawahin na ang mga aklat at librong sa araw-araw ay kaulayaw.

Ngunit para sa mga tipo ng estudyanteng talagang walang kahilig-hilig magbasa, lalo lamang madaragdagan ang sakit ng ulo at hapdi sa tiyan dahil wala naman hinihintay kung hindi ang recess at uwian. Kapag sinabi lamang ng guro na "Ok class, open your books to page…" lalo lang sisidhi ang kanilang pag-aaklas na kulang na lang ay magdala ng plakards at sakupin ang buong silid sa pagsigaw ng, "Ayokong mag-asawa ng aklat!!!"

Sa akin, ayoko ring mag-asawa ng aklat.

Sa halos araw-araw na ginawa ng Diyos, hindi ko talaga maiwasang maka-enkwentro ng mga taong sobra ang pagkahumaling sa pagbabasa. Hayan at makikita mong nakaupo sa isang sulok, naaarmasan ng mga nagkakapalang salamin sa taas ng grado, at halos kainin na ang mukha ng taghiyawat sa sobrang dami. At natural, hindi maaaring mawala ang mga makapal na libro na hindi lamang nagsisilbing babasahin kundi pananggalang din sa init ng araw, patak ng ulan at pang-hampas sa nang-aasar na kaibigan.

Sa mga pagkakataong ganito, parang napakasarap magtanong ng "Bakit gustong-gusto mong magbasa?" Anong mayroon ang aklat na wala sa play station, PC o Chessboard? Paanong hindi ka mapapatanong, e kung gaano karami ang nakikita mong nagbabasa ng aklat ay doble naman ang dami ng mga estudyanteng ni ang humawak ng mga workbook at textbook ay pinandidirihan. Lalong ayaw na mag-lakas loob na harapin ang masungit na librarian at hiramin ang mga kampon nitong aklat na halos naagnas at nangangamoy lupa na sa tagal ng di pagkabuklat na animo'y nag-aalok ng bulok na kaalaman.

Ayaw talaga nilang mag-asawa ng aklat.

Ngunit talagang ganito ang katotohanan. Ito ang realidad. Wala kang magagawa kundi hanapin ang mga sagot sa mga tanong mo.

Ayon sa mga eksperto, mababa ang antas sa ating bansa kung patungkol sa pagbabasa. Sa mga pag-aaral, lumalabas na mayorya sa mga pinoy ang walang kahilig-hilig sa pagbabasa. Nangungunang sanhi ay ang katamaran. Sa panig ng mga manggagawa, oras naman ang kalaban. Ang mga ito ang mga pangunahing salarin kung bakit malaking bahagdan ng mga mamamayan ang hindi masyadong "updated" pagdating sa mga current events at general information.

Pero kapag mga mismong ang mga eksperto at dalubhasa ang kukwestiyunin kung gaano kahalaga ang pagbabasa, halos mapapaangat ka sa iyong kinauupuan sa tindi ng kanilang mga tugon. Kung itatanong kung paano nila narating ang rurok ng kanilang tagumpay, hindi mawawala ang mga pagpapasalamat sa mga aklat. Maliban sa mga magagaling na guro at malulusog na kaalamang kanilang itinuturo, ang pagbabasa ay may napakalaking bahagi sa kanilang pagtatagumpay. Katulad na lamang ni Ka Ernie Baron, na tinaguriang "The Walking Encyclopedia,". Ayon sa kanya, 75% ng kanyang kaalaman ay mula sa self-study. Paano iyon? Sa pamamagitan ng panonood, pakikinig, pakikiramdam at pagbabasa. Kaya nasaan na siya ngayon? Heto at nasa bisig ng kasikatan at kaunlaran ng buhay.

Kung ganon, pwede pala akong maging Ernie Baron. Kahit ikaw, siya o tayong lahat ay maaari.

Talagang napakahalaga pala ang pagbabasa. Pusta ako, kahit si Einstein o si Brad Pitt, kilala si Alice in Wonderland. Wala sigurong magtatagumpay na artista, negosyante, manager o maging Presidente ang hindi nakakakilala kina Shakespeare, Chaucer o Antoine De Saint Exupery. Hindi nila makakamit ang kanilang kaunlaran ngayon nang hindi nagdaraan sa bahay ng Wicked Witch, nang hindi nilalakbay ang Neverland o nang hindi nakahahalubilo sina C.S. Lewis, Charles Dickens, Mark Twain at Louisa May Alcott. Kilala rin kaya nila sina Irving Wallace at Irving Washington? Marahil.

Inasawa kaya nila ang mga aklat?

Naku, hindi lang pala napakahalaga ng pagbabasa. Kailangang-kailangan din pala ito sa buhay. Nakakahiya, kapag tinatanong ka ng isang Nursery o Kindergaten pupil kung kilala mo si Ugly Duckling ay sumagot ka ng hindi. Pangarap mo pa namang maging Engineer, Scientist o Presidente.

Medyo nakakatakot dahil kapag hindi mo binuklat ang aklat at pag-aralan ang mga nouns, verbs, at conjunctions o di kaya'y ang Force, Mass at Gravity o ang KKK, Rebolusyon at Ekonomiks ay tunaw ang pangarap mong House and Lot with matching Ford Expedition. Mas lalong nakakatakot dahil maaaring ang isa sa inaasar mong "Nerd", "Adik" sa pagbabasa o "Boy Libro" ang maging susunod na Edison, Ernie Baron o Gloria Macapagal-Arroyo!

Nakakatakot din kapag isa sa kanila ang maging manager sa opisinang pinagtratrabahuhan mo. Kaya buklatin mo na iyang Webster's Dictionary sa kabinet nyo, dahil ako, hindi magpapahuli o magpapatalo.

Ano kaya ang magiging hinaharap ko? O ng ating bayan? Tiyak, kapag tinanong mo'y eksperto, isasagot nito'y tanungin mo ang libro. Kausapin mo ang aklat at ika'y paglilingkurang tapat. Tama, kapag ang bawat Pilipino'y may hawak-hawak at binabasang aklat, baka mas moderno at angat tayo kaysa Japan o Amerika, walang namamalaboy at lahat tayo'y Ernie Baron. Marahil, ito ang dahilan sa likod ng NBDB, National Bookstore o ng komersyal sa Telebisyon na "Read More, Be More.”

Nakakamangha ano? Kaya ako, nais ko na ring sabihing,"Gusto kong mag-asawa ng aklat!"

 

MORE PAGES:

Kulturang Kalye
Distant Relations: The Place of Libraries in Museums
Young Bards Have High Hopes for Poetry
What was Samar Doing When MacArthur Waded Ashore 60 Years Ago?
The Bells of Balangiga
A History After Legazpi
They've Come This Far!
Be Different! Go Watch "Minsan Pa!"
Pagsulong sa Ortograpiyang Filipino Bilang Salamin ng Kasaysayan at Kulturang Pambansa
Faith and the Pinoy
Manila Landscape and Lives in Contemporary Art
Mistipikasyon ng Sining
Filipinas ng Ating Haraya
Language, Poetry and Drama in the Music of Nicanor Abelardo
Philippine Architecture Then and Now
Workshops and Workshops
Gusto Kong Mag-asawa ng Aklat
Reclaiming a Vanishing Heritage
Notes on the State of Filipino Society
An Open Letter to the Members of the Manila Critics Circle
Bakit Kailangan ng Filipino ang Filipino?
Freedom=Death: Conjurings, Oaths, and the Power of Secrecy
The Disentangling of a Tongue-tied Subject
Saving Ifugao's Pride
A Heritage of Nobleness
Konsistensi: Ang Ikaanim na Memo Para sa Bagong Milenyo
Heritage Movement Restores Schoolhouses Nationwide
Celebrating the Birth of San Juan Bautista
Quo Vadis San Miguel Comedya?
Thoroughly Modern Victorio Edades: the Master on Film
Defining the Filipino Through Song
Philippines: Gateway to the Orient from Legazpi to Malaspina
Biodiversity and the Sacred
Confessions of a "Rock Journalist
The Art of Juan Luna
Best Practice Crafting: Reflections on the Word "Sining"
Postcolonial Sufferance
Art and Angono
Recognition and Reward, Corruption and Repression
Wanted: Vision to Lead the Feet
Intersections, Representations, and Exoticism: Reconfiguring the Historiography of Philippine Art Deco Architectures
Batang West Side: Diskurso ng Konsensiya Kaakuhan at Kasaysayan
Interview with National Artist in Literature Edith L. Tiempo
Doors to the World of Reading Must Be Unlocked for Children
Tungo sa Pagtuklas ng Isang Bagong Teorya sa Musika
The Ends of Vision
Curatorship Defined
Reading Matters
Decentering Philippine Art and Culture
Revivalism and Modernism in the Music of Post-colonial Asia
Benchmarking Philippine Architecture
A Cycle of Being and Becoming in Mindanao
Tenacity of Identity or Where are the People?
Ifugao Hudhud: Local to Global Dimension of the Sacred
Seditious and Subversive: Theater of War
Telenovela, Anime Transform Landscape of Philippine TV
Modernity as Sacrifice and Salvation in Philippine Colonial Painting
Future Perfect: the Work of Literature
A Celebration of Herstory: Filipino Women in Legislation and Politics
Vigan: A Journey Through the Heartland
The Creative Living Presence Within: The Participation of Filipino
Getting Our Heritage to Survive the Ages
Interested in Having Your Works Exhibited in a Gallery?
The Cost of Saving Our Cultural Heritage
Immortality in an "Ephemeral" Art
Wika ng Karunungang Filipino
Nurturing Children's Literature in the Philippines
A Handful of Gems: A Review of the Films of 2002
Constructing a National Identity Through Music
Balintawak: The Cry for a Nationwide Revolution
Birthing Women Artists
The Essential Story
Hidden in the Heart

 



[TOP]  [HOME]  [SITEMAP]  [LINK TO US]  [TELL A FRIEND]



 

Click to subscribe Living Retiring Traveling and Doing Business In The Philippines

<<< F R E E-
<< Click to subscribe to Living, Retiring, Traveling, Doing Business  and Moving  To The Philippines
FREE INFORMATION FROM EXPATS, FOREIGNERS WHO TALK ABOUT LIVING IN THE PHILIPPINES, RELOCATION HERE AND DOING BUSINESS, TRAVELING OR RETIRING IN THE PHILIPPINES.

 
   Copyright © 2001-2008 livinginthephilippines Inc. All rights reserved
   Design By:
Don Herrington © 2001
   Maintained By: Web Designer's Workshop

   Edited by: Michael P. Shead