http://www.LivingInthePhilippines.comis theORIGINAL, firstPhilippines Expat site on the Net, since 1989. This is not one of many knock-offs, copycats, imitations. Some have permutations of the names,misspellings and "in" and "the" or "ing." left off to deceive you. This is the original, by: Don A. Herrington
Naranasan mo
na ba ang pagpapakilala? Kaninong pangalan ang
unang binanggit? Ano ang sinabi mo sa
pagpapakilala? Ano ang sinabi mo nang ikaw ang
ipinakilala?
(Have you experienced
introducing people? Whose name did you say first?
What did you say in making the introduction? What
did you say when you were introduced?)
Ang pananalitang magalang at maayos ay kailangan
din sa pagpapakilala. Naririto ang anim na
mahahalagang bagay na dapat tandaan kapag may
ipinakikilala.
(Courteous and correct
expressions are also necessary in making
introductions. Here are six important things to
remember when ntroducing someone.)
1. Kung ipinakikilala ang lalaki sa babae, laging
banggiting una ang pangalan ng babae.
(In introducing a man to a
woman, always say the name of the woman first.) "Evelyn, siya si Michael Manlapig, kapitbahay ko.
Michael, si Evelyn Bonavente, kaibigan ko." (Evelyn, this is Michael
Manlapig, my neighbor.
Michael, Evelyn Bonavente, my friend.)
2. Kung ipinakikilala ang
nakababata sa nakatatanda, banggiting una ang
pangalan ng nakatatanda. (In introducing a younger
person to an older person, say the name of the
older person first.) "Lola, ipinakikilala ko po sa inyo ang aking boss,
si Ginoong Torrenueva. Ginoong Torrenueva, ang
aking lola, si Gng. Manalo." (Grandmother, I want to
introduce my boss, Mr. Torrenueva. Mr. Torrenueva,
this is my grandmother, Mrs. Manalo.)
3. Ipakilala o banggiting una ang pangalan ng
higit na kilalang tao sa hindi kilalang tao. (Introduce or mention first
the name of the famous person.) "Engr. Basadre, ipinakikilala ko po sa inyo si
Rolly, ang aking pinsan." (Engr. Basadre, I'd like to
introduce to you Rolly, my cousin.) "Inday Badiday, siya po si Litlit, ang batang
naligaw." (Inday Badiday, this is
Litlit, the child whom got lost.)
4. Kung ipinakikilala ang
ina at ang guro, o ama at ang guro, unang sabihin
ang pangalan ng ina o ama (In introducing the mother
and the teacher, or the father and the teacher,
always mention the name of the mother or the
father.)
"Nanay, ito po si Bb. Santos, ang aking guro. Bb.
Santos, ang aking ina... " (Mother, this is Miss
Santos, my teacher. Miss Santos, this is my
mother...) Tatay, ipinakikilala ko sa inyo si Ginoong Villa
ang aming punong-guro. Ginoong Villa, sila po ang
aking ama." (Father, I want to introduce
Mr. Villa, our principal. Mr. Villa, this is my
father.) Kung isang kaibigan ang ipinakikilala sa isang
pangkat, sabihin:
"Ipinakikilala ko sa inyong lahat si kristoffer,
ang matalik kong kaibigan." Pagkatapos, "Kristoffer,
ito si Marjun, si Ciprianne, si Tonton . " at
ipagpatuloy hanggang maipakilala ang lahat. (If a friend is introduced
to a group, say: "I would like to introduce to you
Kristoffer, best friend."
Then, Kristoffer, this is Marjun, this is
Ciprianne, this is Tonton . . ." and go on until
everybody is introduced.
6. Kung ang iyong ama o ina
ay nadatnan ng kaibigang inanyayahan sa tahanan,
ipakilala agad ang kaibigan. (if your invited friend
encountered your father or mother at home,
immediately introduced your friend.) "Nanay, siya po si Adela, ang kumare ko. (Mother, this is Adela, my "kumare".) "Tatay, natatandaan pa ninyo si Ombet? Ombet,
kilala mo na ang Tatay, hindi ba?." (Father, do you still
remember Ombet? Ombet, you already know my Father,
isn't it?) Naririto ang ilang dapat tandaan: (Here are other things to remember:)
1. Pagkatapos na ipakilala ka, wastong sabihin ang,
"Kumusta ka, Evelyn. "
Sa nakatatanda, dapat sabihin ang,
"Kumusta po kayo, Gng. Manalo. " (After the introduction, it
is correct to say "How do you do, Evelyn."
To an older person, you should say, "How do you
do, Mrs. Manalo."
2. Ipakita o sabihin na ikaw
ay nasisiyahang makilala ang ipinakikilala.< (Show or say that you are
glad to meet the person.) 3. Sa pagpapakilala, hintaying unang mag-abot ng
kamay ang nakatatanda, o hintayin ng lalaki na
unang mag-abot ng kamay ang babae. Maaari rin
namang hindi na magkamayan. (Wait for the older person
to offer his hand or her hand when being
introduced, or the man should wait for the woman
to offer her hand first. Shaking hands may also be
omitted.)
Kung hindi maunawaan ang pangalan ng taong
ipinakilala, huwag mag-atubiling sabihin ang:
'Ikinalulungkot ko, hindi ko narinig ang inyong
pangalan." (If you did not understand
the name of the person being introduced, do not
hesitate to say:
"I am sorry, but I did not hear your name." Sikaping magpatuloy ang usapan pagkatapos
maipakilala. (Try to keep the
conversation moving after you have been
introduced.)
Pagsasanay (Practice)
Isagawa ang sumusunod na pagpapakilala.
(Practice making the proper introductions:.
1) Ang iyong ama at ang iyong guro
2) Ang iyong kapatid at ang iyong kaklas
"Alma, ito ang aking kapatid, si Carmen Villarin.
Carmen, si Alma Adiong, ang aking kaklase."
3) Ang iyong pinsan at ang iyong guro
"Bb. Santos, ipinakikilala ko sa inyo Ludy, ang
aking pinsan."
4) Ang iyong ina at ang ina ng iyong kaibigan
"Nanay, siya po si Aling Deling, ang ina ni
Michael na aking kaibigan."
<<<
F R E E-
<< Click to
subscribe to Living, Retiring, Traveling, Doing Business and Moving
To The Philippines
FREE INFORMATION FROM
EXPATS, FOREIGNERS WHO TALK ABOUT LIVING IN THE PHILIPPINES,
RELOCATION HERE AND DOING BUSINESS, TRAVELING OR RETIRING IN THE
PHILIPPINES.